Binuweltahan ni Anthony Ang-Angco, operation manager ng speedgame Incorporated si Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO board director Sandra Cam kaugnay sa sinabi niyang aabot sa P132 million ang utang sa pamahalaan ng Speedgame Inc.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Angco, buwelta niya kay Cam bakit niya pinoproblema ang hindi pagbayad ng Speedgame gayung ito ay problema mismo ng PCSO.
Nagtataka si Angco kung bakit inuunang problema ni Cam ang speed game gayung ang problema ay ang peryahan ng Bayan project na nagooperate sa ibat ibang lalawigan.
Nanawagan siya kay Cam na imbes na problemahin ang speedgame ay ayusin ang problema sa peryahan ng bayan.
Binanggit niya na marami ng violation ang Peryahan partikular sa oras ng draw.
Nanawagan si Angco, na huwag isisi sa kanila kung bakit hindi makapagbayad ng speedgame Inc. sa umanoy pagkakautang nito.
Giniit niya na PCSO ang problema dahil ito ang pinanggalingan ng Small town lottery at peryahan ng bayan.