Pinasinungalingan ni Pangasinan Vice Governor Elect Mark Lambino ang kumakalat na balita na may tampuhan at awayang naganap sa pagitan nila ng kanyang kapartido at kumandidato bilang gobernador na si Alaminos City Mayor Arthur Celeste.

Sa first at exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Lambino, tinawag nito bilang isang ‘black propaganda’ ang naturang ulat lalo na’t wala umano itong katotohanan. Aniya, buwan ng Oktubre noong nakaraang taon hanggang sa matapos ang halalan ay magkasama na sila ni Mayor Celeste. Hindi rin umano sila nagkahiwalay noong panahon ng pangangampanya taliwas sa sinasabi ng ilan na mas pinili nitong magsolo.

Paliwanag pa nito, hindi na lamang sila nagkasama ni Mayor Celeste sa araw mismo ng halalan magkaibang lugar ang kanilang pinagbotohan.

--Ads--

Kaugnay naman nito, pinasalamatan ni Lambino ang lahat ng naniwala at sumuporta sa kanya. Nangako din ito na gagawin niya ang kanyang tungkulin bilang bagong bise gobernador dito sa lalawigan ng Pangasinan.