Naghamon ngayon si Senatoriable Glenn Chong ng patas at malinis na imbistigasyon laban sa ilang opisyal ng COMELEC at Smartmatic.

Kasunod na rin ito ng paniniwala ni Chong na muli itong nadaya sa katatapos lamang na 2019 midterm election.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Chong, iginiit na dapat imbistigahan ang katatapos lamang na halalan upang malaman ang katotohanan. Aniya, dapat magsagawa ng mano-manong pagbibilang sa mga ballota upang malaman kung sino ang nandaya at kung sino ang nadaya.

--Ads--

Giit pa ni Chong, mainam din umano ang hiling niyang imbistigasyon para mapatunayan kung may kredibilidad nga ba ang mga makina ng Smartmatic na ginamit sa halalan. Kung siya lamang kasi aniya ang tatanungin ay wala umano siyang tiwala sa mga vote counting machines o VCMs na ginamit.

Matatandaan na si Atty Glen Chong ang tinaguriang ‘smartmatic scandal whistleblower’ matapos nitong ibunyag sa senado ang nangyaring dayaan noong nagdaang halalan.