Naiproklama na bilang panalo sa fifth district si Binalonan Mayor Ramon Guico III bilang kongresista sa ikalimang distrito ng lalawigan ng Pangasinan.
Tinalo ni Guico si Incumbent Congressman Amado Espino Jr. sa pamamagitan ng botong 126, 136 habang si Espino ay nakakuha ng 121, 624.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, pinasalamatan niya lahat ng sumuporta sa kanya nitong halalan at nakakatitiyak umano sila na susuklian niya ito ng magandang serbisyo.
Siya ay magiging visible at handang tumugon sa pangangailangan ng mga residente.
Dagdag pa niya na hindi niya bibiguin ang mga tao sa pangako nitong magdadala ng maraming investment at makapagbigay ng maraming trabaho.
Kapag marami ang investment ay mas madali umano ang pag unlad sa kanilang lugar.