Bagama’t pangkalahatang naging payapa at maayos ang halalan sa buong probinsya ng Pangasinan, inamin ng Pangasinan Provincial Police Office na kaliwa’t kanan ang kanilang natanggap na reklamo mula sa mga botante.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Director Police Colonel Wilson Lopez, sinabi nito na nanguna sa problema ang mga nagkaaberyang vote counting machines simula pa lamang ng magbukas ang botohan kahapon.
Nariyan din aniya ang mga pumalya at nagmalfunction na mga SD cards na siya namang naging dahilan upang makaranas ng mahabang delay sa pagboto ang mga botante.
Sa kabila naman ng pangyayari, napanatili pa rin umano ang kaayusan sa probinsya ng Pangasinan at wala din umanong ideneklarang lugar ang COMELEC na failure of election .