Nagpa abot na ng kanyang pasasalamat sa publiko si Atty Joey Tamayo matapos na muling mahalal bilang konsehal dito sa lungsod ng Dagupan.

Una rito, kabilang si Tamayo sa pinroklama ng City Board of Canvassers bilang bagong Elected Officials ng Dagupan City. 

Sa first media at exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, pinasalamatan nito ang mga residenteng nakatira dito sa lungsod dahil sa walang sawa umano nilang pagsuporta sa kanya. Aniya, isang malaking karangalan at pagkakataon na paglingkuran muli ang kapwa nito DagupeƱo. 

--Ads--

Naniniwala naman ito na ang maayos ang serbisyo ang naging susi upang muli siyang iluklok sa kanyang dati ng pwesto. 

Mariin naman nitong itinanggi na kabilang siya sa mga kandidatong sangkot sa pamamahagi ng ‘pakurong’ o vote buying. 

Kaugnay nito, tiniyak ni Tamayo na gagawin nito ang kanyang tungkulin bilang konsehal at tutulong ito sa pangangailangan ng buong syudad ng