Isang helper sa canteen na mula dito sa lalawigan ng Pangasinan ang panibagong milyonaryo mula sa libu-libong sumali sa ginanap na Grand Draw ng promong Buena Mano Salvo Year ’14 ng Star FM at Bombo Radyo Philippines.

Hindi umano lubos akalain ni Irene Cancino, 43 anyos ng Otso De Mayo Basista, Pangasinan, na siya ang magiging ika-pitumpong milyonaryo ng Bombo Radyo Philippines. Gumamit ito ng Scracth it Card bilang proof or purchase.

Ilalaan umano nito ang napanalunang isang milyong piso sa pagpapa-aral sa dalawa nitong kolehiyong anak.

--Ads--

Itatago rin nito sa bangko ang ilang bahagi ng mapapanalunan para mayroong magagamit kung kinakailangan sa mga susunod na panahon.

Si Cancino ay asawa ng isang tricycle driver.