Patay ang lalaking makikilamay sa namatay na kaibigan matapos ma – hit and run sa lungsod ng urdaneta.
Kinilala ang biktima na si Rello Jacob Jr. residente ng barangay Bued, Binalonan, Pangasinan.
Ayon sa kanyang pinsan na si Bong Jacob, dakong ala 7 ng gabi ay umalis si Rello para makilamay sa kaibigan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang Manila North Road sa kahabaan ng barangay Anonas sa lungsod ng Urdaneta nang mawalan ng control sa pagmamaneho ang biktima dahil madulas ang kalsada.
Itatayo sana nito ang kanyang motorsiklo nang bigla itong mahagip ng paparating na kotse.
Dead on arrival sa pagamutan ang biktima.
Samantala, may mga nakakita sa plate number ng sasakyan kaya nakikipag ugnayan na ang pulisya sa LTO para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan.