Mas dumami pa ang mga banyagang turista na bumisita sa Pilipinas nitong mga nakalipas na buwan.

Ito mismo ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Esperon, nangunguna pa rin sa talaan ng mga dumadalaw sa bansa ay ang mga Koreano at mga Tsino o ang mga Chinese at Korean nationals.

--Ads--

Aniya,may kabuuang 1,580,959 na bilang ang mga Koreanong naririto sa Pilipinas habang sinundan ito ng China na may 1,255,258 arrivals o katumbas ng 10 percent.

Una ng inihayag ng Department of Tourism na taong 2018 ng makapagtala sila ng ‘All-time high’ sa bilang ng mga dayong turista ang bumisita sa Pilipinas na hanggang sa ngayon, ay nagpapatuloy pa rin umano.

Bukod sa mga Tsino at Koreano, tinatangkilik din ng mga dayuhang turista mula sa bansang Japan, Australia, Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, Malaysia, Hong Kong, at India ang mga sikat na pasyalan o magagandang lugar sa Pilipinas.