Nag umpisa na kahapon ang Ramadan, ang banal na buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.


Sama-sama at taimtim na ginawa ng mga Muslim dito sa lungsod ng Dagupan ang ritwal na dasal sa unang araw ng paggunita sa Ramadan.

Nag-alay din ng panalangin ang mga Muslim kung saan hiling ng mga ito ang tapat, maayos at ligtas na eleksyon.

--Ads--

Ang Ramadan ay bahagi ng 5 pillars of Islam at nailalapit ng panahong ito ang mga Muslim kay Allah.

Sa loob ng isang buwan ay iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat at paglubog ng araw.

Iniiwasan din ang mga makamundong gawain tulad ng sexual activities at mga bisyo.

Dapat ding may supplementary prayers ang mga Muslim bukod pa sa arawang limang beses na pagdarasal.
Magtatapos ang banal na buwan ng Ramadan sa paggunita ng Eid al-Fitr.