Walang malaking epekto sa mga magsasaka sa Rehiyon Uno ang  El Niño phenomenon.

Ito mismo ang siniguro ni  Oscar Navata, Public Relations Officer ng National Irrigators Administration o NIA Region 1 sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Navata, tila nakatulong kahit paano ang nasabing phenomenon sa pananim ng mga magsasaka.Wala kasi umano silang natatanggap na reklamo mula sa mga ito kung kaya’t maituturing aniya na sila’y nasa magandang kalagayan ang pananim.

--Ads--

Nakapag ani na rin umano ng kanilang mga pananim ang iba sa mga magsasaka kung kaya’t malabo na ang ideyang malugi pa ang mga ito.

Samantala, nangako naman ang National Irrigators Administration o NIA Region 1 na ipagpapatuloy ang paghahatid at pagbibigay tulong sa mga lokal na magsasaka gaya na lamang ng pagbibigay sa mga ito ng libreng patubig sa kanilang mga sakahan.