Dinagsa ng libu-libong mga Pangasinense at mga dayo ang Handog na Free concert, Free T-shirt ng Bombo Radyo at Star FM kagabi na naganap sa capitol beachfront sa bayan ng Lingayen kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pistay Dayat 2019.

Maraming mga tagapakinig at tagasuporta ng himpilan ang maagang nag-aabang sa aktibidad na ito partikular na ang mga galing sa lalawigan ng Tarlac at iba pang malalayong distrito ng Pangasinan.

Naging guest ang ilang sikat na local bands sa lalawigan at nagtanghal din ang bandang Rocksteddy at Frio na aktibong sinasabayan ng mga manunod.

--Ads--

Sa kabila naman ng maraming bilang ng mga dumalo napanatili ang kaayusan kahit open area ang lugar dahil narin sa presensya ng PNP at ng iba pang security at medical forces na nakabantay sa lugar.

Ilan sa pinasikat ng Rocksteddy ang awiting Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma, Superhero, Leslie, Break na tayo, at Magpakailanman.
Ilan naman sa mga awitin ng bandang Frio ang kantang Alive, Nasan ka na, Could Have been at marami pang iba.