Patay ang umanoy leader ng Gun for hire group na aktibong nag ooperate sa ika lima  at ika anim na distrito ng Pangasinan.

Hindi na naihain pa ng  pulisya ang  warrant of arrest laban  kay Verson Mamerto, leader ng Mamerto Gun for hire group  matapos manlaban sa mga otoridad  sa  isinagawang operasyon sa  bayan ng Santa Maria, Pangasinan.

Pagkarating umano ng mga otoridad sa  bahay nito ay agad na  lumabas sa bahay ang suspek at tumakbo palayo sa mga otoridad.

--Ads--

Hinabol nila ito pero nanlaban sa mga otoridad .

Sugatan si Mamerto at dinala sa pagamutan subalit  ideneklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, si Mamerto ang nasa likod ng insidente ng pamamaril sa 5th at 6th district sa lalawigan.

 Siya rin ang suspek sa pagpatay sa isang barangay official sa bayan ng San Quintin noong 2016.

Giit naman ng may bahay ni Mamerto na inosente ang kanyang asawa.

Magsasaka ang kanyang mister at hindi umano lider ng grupo.