Nahulihan ng baril habang nangangampanya ang umanoy bodyguard ng isang kandidato sa bayan ng Santa Maria Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Alvin Ugoy, 25 anyos at residente ng Rizal, Nueva Ecija.

Nakuha sa kanyang sling bag ang isang caliber 45 na baril at mga bala.

--Ads--

Iginiit nito na siya ay bodyguard ng tumatakbong bise alkalde sa bayan bagay na pinabulaanan naman ng kampo ng kandidatong bise alkalde.

Hindi rin umano sa kanya ang baril na nakuha sa suspek.

Samantala beniberipika pa ng mga otoridad ang kanyang mga sinabi kung totoo o nagpapanggap lang.

Nabatid na sa kasagsagan ng kampanya ay napansin ng mga otoridad ang kahina hinalang kilos ng lalaki na nakasuot ng bonet at may dalang sling bag.

Mahigpit umano ang pagkakahawak ng lalaki sa sling bag kaya naman nagduda ang pulisya.

Lalapitan pa lamang ng pulis ang lalaki pero mabilis itong tumakbo palayo sa lugar, pero kalaunan ay naaresto rin.