Tinupok ng apoy ang ilang bahagi ng kabundukan sa barangay Pacalat sa bayan ng Mangatarem lalawigan ng Pangasinan.

Nagsimula ang sunog noong Sabado dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon sa Bureau of Fire protection, pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa mataas na bahagi ng kabundukan sumiklab ang sunog.

--Ads--

Ito ang kauna unahang forest fire sa kanilang bayan ngayong taon.

Kaugnay nito ay mas pinaigting pa ng mga otoridad ang kampanya para iwas sa sunog lalo pa ngayong tumitindi ang init ng panahon.