Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang territorial rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea matapos ang Belt and Road Forum sa Beijing, China.

Ito ang kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan. Aniya, hindi nagbulakbol ang Pangulo sa China dahil sa katunayan ay inilahad nito ang arbitral ruling sa bilateral meeting kay Xi.

National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Ayon kay Esperon, matindi ang naging paninindigan ng pangulo, naging prangka, substantive at naging produktibo ang pakikipag-usap ng punong ehekutibo sa Chinese leader.

--Ads--
National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Hindi rin aniya naging hadlang para maging matagumpay ang pag-uusap ng dalawang Pangulo ang ginawang pagsasampa ng kaso sa International Criminal Court ng mga dating opisyal ng gobyerno sa China. Patunay aniya ang hindi pagkakabanggit sa naturang isyu sa kanilang naging pulong sapagkat pawang hindi naman miyembro ng ICC ang Pilipinas at China. with reports from Bombo Badz Agtalao