Inaasahan na ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang pagtanngi o pagdeny ng mga grupo at personalidad na nakasama sa inilabas na “Oust Duterte” matrix.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon, sinabi nito na kahit ideny pa ng mga ito ang kanilang planong pagpapatalsik sa Pangulo ay may mga nakukuha naman silang impormasyon na nagpapatunay dito.
Samantala, kinumpirma ni Esperon na may mga media entities ang nagpapabayad para batikusin ang war on drugs ng Duterte administration kabilang na ang online news site na Rappler.
Matatandaan na nakatakdang ibulgar ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga media entities na nagpapabayad at ginagawang negosyo ang pagbibigay ng balita laban sa mas hinigpitang anti-illegal drug campaign ng kanyang administrasyon. with reports from Bombo Badz Agtalao