Ilang linggo bago ang eleksyon ay inilabas na ng Commission on Election o comelec region 1 ang pinal na listahan ng mga rehistradong botante sa rehiyon.
Umaabot sa 3,331,411 ang total number ng registered voters kung saan pinakamaraming botante ay sa Pangasinan na sinundan ng La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Samantala, umaabot sa 2,564 ang bilang ng voting centers habang nasa 4,996 ang clustered precincts.
Ipinag-utos na rin ng comelec region 1 ang pagsasagawa ng annotation ng mga local comelec offices sa election computerized voters list na nagmula sa Central Office.
Bago ang election ay mahalagang naisapinal na ang voters list upang maiawasan ang pagboto ng higit sa isang beses.
Nanawagan din ang comelec sa mga botante na magtungo sa kani kanilang local comelec offices at tignan na ang kanilang pangalan sa mga nakapaskil na computerized voter’s list para makita kung saang presinto sila boboto sa mismong araw ng eleksyon.