Sinimulan na ang imbestigasyon ng City Health office ng lungsod ng San Carlos kasunod ng pagkalason ng anim na magkakamag-anak  sa lungsod dahil sa kinain na itlog maalat.

Nagsagawa ng inspection ang Sanitary Division sa  bentahan ng itlog maalat sa palengke at hinanapan ng sanitary permit ang mga tindera.

Nahihirapan ang CHO  na matukoy kung saan binili ng mga biktima ang itlog maalat na kinain nila 

--Ads--

Nais malaman ng mga otoridad kung saan galing ang kinain na itlog maalat upang hindi na madagdagan ang kaso ng food poisoning

Matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi  ang naranasan ng magkakamag-anak na kumain ng itlgo maalat.                Posibleng nakontamina  umano ng bacteria ang itlog maalat na kinain ng mag-anak.

Samantala, posibleng maipatupad muli ang ban sa pagkain ng itlog maalat sa oras na mapatunayan  na hindi ito ligtas na kainin.

Matatandaan na  taong 2014 nang magpatupad ang city health office ng ban sa pagkain ng itlog maalat dahil  kaparehong insidente ng pagkalason.