Nadismaya ang pamunuan ng National Food Authority o NFA Western Pangasinan dahil sa kakaunting bilang ng mga magsasaka na nagbebenta ng palay.

Nabatid na napipilitang magbenta ang ilang magsasaka ng kanilang inaning palay sa mga private traders dahil mataas ang  buying price at mabilis ang proseso ng bentahan.

Sa ngayon ay nasa P20 ang buying price ng NFA kumpara sa buying price ng mga private trader na mahigit P20 kada kilo.

--Ads--

Dahil dito, malabong makamit ng ahensya ang target na palay procurement na 50,000 na kaban sa katapusan ng Mayo.

Isa rin sa mga nakikitang dahilan ay ang kaunting bilang ng mga nagtanim dahil sa kawalan ng sapat na supply ng patubig sa mga irigasyon.

Samantala, umabot na sa higit 300,000 sako ng bigas ang dumating sa mga bodega ng ahensya.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang higit isang daang libong sako ng bigas na kasama sa  rice allocation ng NFA