Nalason ang anim na magkakamag-anak sa lungsod ng San Carlos matapos kumain ng itlog maalat.
Isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital ang pamilya Albareda mula sa barangay Bolingit, San Carlos city matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi.
Ayon naman sa pamunuan ng ospital, posibleng nakontamina ng bacteria ang itlog maalat na kinain ng magkakamag-anak.
Sa datos ng PPH, umabot na sa walo ang naitalang biktima ng food poisoning na naadmit sa ospital ngayong 2019.
Paliwanag ng mga doktor, madaling makontamina ng bacteria ang mga pagkain ngayong mainit na panahon kaya ipinapayo na panatilihing malinis ang kamay, malinis ang mga ginagamit sa pagluluto at paglalagyan ng pagkain.
Sa ngayon ay nasa maayos ng kondisyon ang mga biktima.