Mahigit 8,000 mga indibidwal ngayon ang naapektuhan ng lindol matapos na masira ang kanilang mga tahanan dahil sa naramdamang pagyanig.

Nagmumula ang mga ito sa mga bayan ng Sasmuan, Mexico, Guagua,Porac, Lubao at Flordiblanca. Ilang mga kabahayan din sa mga nabanggit na lugar ang totally damaged o yaogn hindi na maaring matirhan pa.

Mayroon ding mga residente ang nananatili sa mga evacuation centers dahil sa pinsala sa kanilang mga tahanan.

--Ads--

Sa ngayon nasa 17 na ang naitalang nasawi dahil sa insedente 83 ang sugatan habang may 16 pang patuloy na pinaghahanap.