Hinikayat ngayon ng Office of the Civil Defense o OCD Region 1 ang publiko na makibahagi sa mga earthquake drills ng gobyerno.

Kasunod na rin ito ng magkakasunod na lindol na naitala sa may Pampanga at Samar kamakailan lamang.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay OCD Region I spokesperson Mike Sabado, mahalaga aniya na maging handa ang publiko sa lahat ng oras lalo na’t hindi umano natin alam kung kailan tatama ang sakuna.

--Ads--

Gawin na lamang umanong halimbawa ang nangyaring magnitude 6.1 na tumama sa Pampanga habang magnitude 6.5 naman sa Samar kung saan karamihan sa mga residenteng nakatira dito ay hindi inasahan ang pangyayari. Kapansin pansin din aniya ang pagpa-panic ng mga ito dahilan upang mawala na sa kanilang kaisipan ang konsepto ng “duck cover and hold”.

Kaya naman mahigpit ang paalala ng kanilang tanggapan sa publiko na ugaliing makilahok at makisali sa mga isinasagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Layon umano ng NSED na masukat ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang malakas na lindol./Int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program