Walang naging epekto sa San Roque Dam dito sa lalawigan ng Pangasinan ang nangyaring 6.1 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Luzon.

Ito ang inihayag sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Renato Solidum. Aniya, maliit lamang ang lindol kaya hindi ito nakaapekto sa istraktura katulad ng San Roque Dam.

Ang importante aniya ay magkaroon ng evaluation ang mga dam operators upang masuri ang estado nito. Isa naman aniya ang San Roque dam sa sumunod sa kanilang rekomendasyon dahil marami itong censor kaya’t wala silang nakikitang problema sakaling magkaroon muli ng malaking lindol.

--Ads--

Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Renato Solidum

Dagdag pa ni Solidum, isang aral na dapat matignan at gawin ng publiko at kinauukulan ang pag-inspeksyon sa mga bahay at gusali upang masigurado na hindi ito babagsak o masisira sakaling tamaan ng lindol. Dapat din aniya na magkaroon ng maigting na earthquake drill lalo na sa mga kailangang gawin kapag nasa loob ng isang mall.