Nasa 1st stage of decomposition na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki na sinasabing may deperensiya sa pag-iisip sa bayan ng Bautista Pangasinan partikukar na sa may Agno River Floodway Control sa Brgy. Diaz.

Sa impormasyon mula sa PNP, ang biktima ay kinilalang si Gil Salva, 45 anyos na residente mula sa Sitio Mangampag sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na natagpuan ng kuya ng biktima ang katawan nito na nakalutang na sa lugar.

--Ads--

Samantala wala namang nakikitang foul play ang mga kinauukulan kaugnay sa insidente. With reports from Cheryl Cabrera