Binigyang diin ng Department of Health (DOH) ang pagpapanatili ng kahalagahan ng malusog na pangangatawan sa gitna ng obserbasyon ng Semana Santa ngayong Linggo.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni DOH Sec. Francisco Duque III, na napakahalaga ng pagtitiyak na malusog ang ating mga pangangatawan sa kabila ng mga kaliwa’t-kanang aktibidad na ginagawa may kaugnayan sa Mahal na araw. Lalo aniya at napakainit ng panahon.

DOH Secretary Francisco Duque III

Kasunod nito ay ipinaalala pa ng Health Secretary na anuman ang paraan ng obserbasyon siguruhing hindi malalagay sa alanganin ang buhay dahil sa pagpepenetensya.

--Ads--