Nakabigti at wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang 18-anyos na binata sa bayan ng Bolinao.

Kinilala ang biktima na si Christian Rey Caasi, 18 anyos at residente ng Brgy. Goyoden sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, lumalabas na nagtaka umano ang tatay ng biktima dahil sa hindi paglabas ng kanyang anak mula sakanyang kuwarto.

--Ads--

Dahil dito ay puwersahan nilang binuksan ang kuwarto nito at tumambad sakanila ang nakabigti ng katawan ng kanyang anak.

Isang nylon rope ang ginamit ng biktima sa pagkitil sakanyang sariling buhay.

Agad pa itong nadala sa pinakamalapit na ospital subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Samantala ayon pa sa ama ng biktima na gabi bago matagpuang wala ng buhay ang kanilang anak ay napagalitan umano ito ng kanyang nanay na posibleng naging dahilan ng kanyang pagpapakamatay.With reports from Cheryn Ann Cabrera