Bagama’t patuloy ang pagdami ng mga kabataang nasasangkot sa illegal na gawain, nilinaw ng Urdaneta City Pnp na walang malalaking grupo ng sindikato ang humahawak sa mga ito.

Ito mismo ang tiniyak sa Bombo Radyo Dagupan ni Police Lt. Col John Guiagui, Chief of Police ng Urdante City Pnp.

Ayon sa opisyal, nakatitiyak umano sila na walang kumukontrol at ang uutos o nanghihimok sa mga kabataan at estudyante sa nabanggit na lungsod na magbenta ng droga partikular na ang marijuana.

--Ads--

Wala din aniyang malalaking grupo ang nagsusuplay sa mga ito.

Aniya, kusang ginagawa umano ng mga kabataan ang pagtutulak at pagbebenta kung saan pangunahing source na kanilang pinagkukuhanan ay sa Benguet, Kalinga, Mt. Province pati na sa Ilocos Sur.

Naniniwala naman ang opisyal na ang impluwensya ng barkada ang pangunahing rason kung bakit aniya nagagawa ng isang kabataan na pasukin ang iligal na gawain.