Nagsasagawa ngayon ng malalimang imbestigasyon ang kapulisan hinggil sa pagkamatay ng isang ginang na tatlong buwan nang buntis at ang kaniyang anak na apat na taong gulang matapos silang matagpuang tadtad ng saksak sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga.

Natagpuan na lamang ng padre de pamilya na si Archie Montemayor ang wala ng buhay na asawa na si KC Montemayor at ang kanilang anak na si Chelsie Jade.

Sa inisyal na imbestigasyon lumilitaw na isang kutsilyo galing sa bahay ng mga biktima ang ginamit sa pananaksak.

--Ads--

Ayon sa pulisya, hawak na nila ang isang kaanak ng mga biktima na itinuturing na “person of interest” batay na rin sa mga nakalap na ebidensya at testimonya ng ilang testigo.