Tiwala ang Philippine National Karate Team na makakapag uwi ng parangal ang isang Pinoy karatekas na mula mismo dito sa lungsod ng Dagupan para sa 8th Southeast Asian Karatedo Federation (SEAKF) championships na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Abril 10 hanggang Abril 15.
Nakapanayam mismo ng Bombo Radyo Dagupan si Alejandro Enrico G Vasquez na siyang Vice President ng Karate Pilipinas at dito ay kanyang inilahad ang mga preparasyong ginagawa ng kanya mismong anak na si Joco Vasquez.
Una rito, sasabak ang nakababatang Vasquez sa isang international competition kung saan ang mga tinaguriang ‘elite players’ ng karatedo ang kanyang makakatunggali.
Ayon kay Ginoong Enrique, lubos niyang ipinagmamalaki ang kanyang anak dahil na rin sa layo ng narating nito lalo na sa larangan ng martial arts. Aniya, maituturing na ‘achievement’ ang patimpalak na nasalihan ng nakababatang Vasquez dahil hindi lamang ito ordinaryong kompetisyon ngunit isa itong international competition.
Ibinahagi naman nito mismo ang mga preparasyong ginagawa ni Joco para sa naturang patimpalak kung saan pinaka-tinututukan umano nito ang ‘physical fitness’ at ‘character performance’.
Samantala, napag alaman na ito ang unang pagkakataon na sasabak ang nakababatang Vasquez sa isang international competition kung saan makakatunggali nito ang mga beteranong karate players o mas kilala sa tawag na ‘seniors’. Int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program