Muling iginiit ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na hindi para sa Pilipinas ang mga iligal na drogang natatagpuan sa dagat.

Pahayag ito ng opisyal sa kanyang pagbisita sa PNP Regional Office I sa lalawigan ng La Union kamakailan lamang.

Ayon kay Albayalde, malabo umanong sa Pinas mismo ang destinasyon ng mga nadiskobreng bloke o pakete ng cocaine dahil mahigpit naman aniya ang seguridad na inilalatag ng mga otoridad. Hinala pa nito, posible umanong may lumubog na vessel na pinagsasakyan ng mga ito kung kaya’t bigla na lamang umanong nagsilabasan at nagsilutangan ang mga kontrabando.

--Ads--

Naniniwala din umano ito na ang mga nakompiskang droga ay mula sa Colombia at iba pang karatig bansa.

Samantala, nagpa abot pa rin ng pasasalamat si Albayalde sa mga mangingisda dahil sa halip na pakinabangan ay masa pinipili umano ng

mga ito na ireport sa kinauukulan.

Payo pa ng opisyal, huwag nang isipin o tangkain pang itago ang mga napupulot na kontrabando dahil upang maiwasan aniya ang mga ito na masampahan ng kaukulang kaso. with report from Bombo Lyme Perez