Maaaring matanggalan ng prangkisa.
Ito ngayon ang babala ng Alliance of Concern Tranport Organization ACTO – Pro Dagupan sa mga pampublikong sasakyang dito sa lungsod na nagtataas umano ng pamasahe kahit walang pahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ramon Ubando, presidente ng ACTO Pro Dagupan, pinaalalahan nito ang lahat ng mga draybers lalo na ng mga PUJs, na tumupad sa ipinatutupad na fare matrix o fare guide ng LTFRB upang maiwasan aniya ang pagkakaroon ng aberya.
Pinaalala nito na ang sinumang hindi susunod sa patakaran ay maaaring pagmultahin ng LTFRB at kanselahin ang prangkisa depende kung pang-ilang paglabag na.
Paliwanag pa ni Ubando, mapipilitan ang nabanggit na ahensya na magsagawa ng hakbang kung mapatutunayang naniningil nga ng labis labis o nang sobra-sobra ang mga ito.
Payo naman nito sa mga operators, antayin na lamang ang kautusan ng LTFRB athuwag basta basta magdedesisyon sa pagpapatupad ng taas singil sa pasahe. Int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program