Hinikayat ng Alliance of Concern Tranport Organization ACTO – Pro Dagupan ang lahat ng mga pasahero na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinomang transport group na mananamantala at maninigil ng labis na pamasahe.
Kasunod na rin ito ng nangyaring insidente kung saan isang concern citizen ang sumangguni sa Bombo Radyo matapos umano itong singilin ng sobra sobra o lampas sa itinadhana na minimum na pamasahe dito sa syudad.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ramon Ubando, presidente ng ACTO Pro Dagupan, sinabi nito na hindi dapat hinahayaan ang mga ganitong isyu lalo pa’t may sinusunod umano ang kanilang grupo na kautusan mula sa LTFRB. Aniya, ang sinumang naniningil at nagpapatupad ng taas pasahe ng walang pahintulo’t sa mga kinauukulan ay malinaw na paglabag sa batas.
Kaya’t umapela ito sa publiko na agad isumbong sa kanila kapag mayroon silang nalalaman na mga driver ng pampasaherong
jeep angh nanamantala sa mga pasahero at sobrang taas kung maningil ng pasahe.
Mainam din umano kung makuhanan ang mga ito ng larawan tulad na lamang ng sign board at plate number o ruta ng mga PUJs upang sa ganoon ay mas mapadali ang pagtukoy sa mga ito. int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program