Mariing itinaggi ng Alliance of Concern Tranport Organization ACTO – Pro Dagupan na nagpatupad na sila ng taas sa singil ng pasahe dito sa syudad.

Kasunod na rin ito ng insidente, kung saan, isang concern citizen ang sumangguni sa Bombo Radyo dahil na rin sa kanyang naging karanasan sa ilang mga PUJs o public utility vehicle na namamasada dito. Sa halip kasi na singilin ng sampong piso, ay P12 na aniya ang hiningi sa kanya. Sinabi umano mismo ng naturang drayber ng jeep na nagkaroon na sila ng fare adjustment kung kaya’t ang regular na sampong pisong pasahe ay nadagdagan ng dalawang piso.

Pinasinungalingan naman ito mismo ni Ramon Ubando, presidente ng ACTO Pro Dagupan, at sinabing wala pang nagaganap na taas pasahe sa kanilang hanay. Aniya, malabo itong mangyari lalo na’t hindi pa umano aprubado ng Land Transportation Franchising and

--Ads--

Regulatory Board o LTFRB ang nauna nilang petisyon na dagdag pasahe.

Sa katunayan pa umano, ayon kay Ubaldo, kahit patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay nakapako pa rin sa minimum fare ang kanilang singil sa mga pasahero.

Samantala, nangako naman si Ubando na iimbistigahan ang nangyaring insidente upang hindi na ito muling maulit pa. Int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program