Nakapagtala ang PAG-ASA ng mataas na heat index at mainit na temperatura dito sa lungsod ng Dagupan.

Bandang alas dos kahapon, naitala ang heat index na 51.7 degrees Celsius habang nasa 37.4 ang naitalang temperatura.

Ayon sa PAG-ASA, ang temperatura ay normal na nararamdaman sa loob ng bahay o opisina habang ang heat index ay ang aktuwal na nararamdamang init sa labas.

--Ads--

Matatandaan na naitala ang pinamakamataas na heat index noong May, 2017 na nasa 53.6 degrees Celsius. Samantala, naitala ang pinakamataas na temperatura sa pangasinan noong April 1950 na nasa 39.9 degrees Celsius .

Payo ng PAG-ASA sa publiko na manatili sa loob ng bahay o sa mga malililim na puno upang makaiwas sa heat stroke.