Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang lalaki matapos mahulihan ng P2.1 milyong halaga ng shabu sa Mabalacat City, Pampanga.

Nahuli ang suspek na si Johaiver Hadjiamen, 39-anyos, sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang grocery store sa Barangay Dau.

Nakuha sa suspek ang malaking plastic package at 13 maliliit na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P2.1 milyon.

--Ads--

Napag-alaman na lumipat ng tirahan si Hadjiamen o kilala rin bilang Dacula sa Barangay Balibago sa Angeles City.