Nagtamo ng sugat sa katawan ang isang 71-anyos na Senior citizen matapos itong mabangga habang patawid sa kalsada sa bayan ng Basista Pangasinan.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Brgy. Poblacion kung saan base sa impormasyon, ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Caranto, residente mula sa Brgy. Dumpay habang ang driver na nasangkot sa aksidente ay kinilalang si Armando Sabangan, 47 anyos na residente naman mula sa Brgy. Tococ East sa bayan ng Bayambang.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, patawid sana sa National Road ang biktima nang ito ay mabangga ng driver na noon ay lulan ng kanyang tricycle.

--Ads--

Bilang resulta, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang 71 anyos na biktima.With reports from Cheryl Ann Cabrera