Kailangan ang mga eksperto sa pagresolba sa nararasang pagbaha dito sa lungsod ng Dagupan.
Ito ang tugon sa debate sa bombo 2019 ni vice mayor Mark Brian Lim na tumatakbong alkalde sa lungsod sa tanong kung ano ang nakikita niyang solusyon sa nararanasang baha dito sa lungsod.
Sinabi ni Lim na dapat magkaroon ng independent scientific study ang mga eksperto kung paano solusyunan ang baha.
Nababahala ang bise alkalde dahil palala ng palala ang problema sa baha sa lungsod.
Samantala, bigong nakarating sa debate si city mayor Belen Fernandez na tumatakbo para sa kanyang huling termino bilang alkalde sa lungsod.
Ang debate sa bombo 2019 ay libreng airtime sa mga kandidato na naglalayong maipahayag ang mga plataporma de gobyerno at palitan ng kuru –kuro ng mga kandidato sa halalan.