Aminado ang Public Order and Safety Office o POSO Dagupan na hirap pa rin silang matukoy eksaktong bilang ng mga kolurom na tricycle na namamasada sa lungsod.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Jovel Dondo, Traffic Aide 1 at Radio Operator ng ng naturang tanggapan sinabi nito na ngayong taong 2019 ay wala pa silang hawak na datos

patungkol sa bilang ng mga kolurom na trisikel na pumapalaboy sa pangunahing lansangan ng Dagupan. Aniya, tanging meron lamang sila sa kanilang listahan ay ang bilang noong nakaraang taon (2018) kung saan umabot umano ito sa 1, 222.

--Ads--

Gayunpaman, inihayag ng opisyal na prayoridad pa rin nilang mabigyan ng prankisa ang mga ito sa bilang na 750. Target umano nilang ibigay ang 350 sa mga panggabi habang 400 naman sa mga pang umaga.

Samantala, napag alaman na noong Enero ngayong taon ay naumpisahan na ng POSO Dagupan ang makapamahagi ng prangkisa na hindi bababa sa tatlong daang bilang. Naniniwala ang naturang tanggapan na mkakatulong ito upang mabawasan ang kolurom na sasakyan sa syudad. with reports from Bombo Mariane Esmeralda