Nagbubunyi ngayon ang mamamayan ng Bayambang dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos nitong masungkit ang titulo sa Guinness Book of World Record bilang Highest and Tallest Bamboo Structure in the World.
Kasabay na rin ito ng pagdiriwang ng ika-400 taon ng St. Vincent Ferrer Parish at ang ika-600 taong death anniversary ni St. Vincent Ferrer.
Mismong ang official Adjudicator ng Guiness na si Swapnil Dangarikar ang nag anunsyo ng nasungkit na titulo ng estatwang kawayan ni St. Vincent Ferrer bilang pinakamataas na Bamboo Structure na may sukat na 50.23 meters na matatagpuan mismo sa Brgy Bani sa nabanggit na bayan.
Gawa sa engineered kawayan at steel frame ang istraktura na mayroong kabuuang budget na P250 million na binuksan lamang sa publiko kahapon, Abril 5.
Tinalo ng istatwa ni St. Vincent Ferrer ang Statue of Liberty ng New York na may sukat lamang na 30 meters at Christ the Redeemer sa Brazil na tinatayang nasa 38 meters lang.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamahaalan ng Bayambang sa mga taong sumuporta at nakibahagi sa nasabing aktibidad.
Ito na ang ikalawang rekord sa Guiness na nakamit ng naturang bayan. Matatandaan na taong 2014 ng una nitong nakuha ang titulong longest barbecue kung saan may sukat na 8,000 m o katumbas ng 20,246 ft. Nalampasan nito ang 6.2-kilometro na gawa ng bansang Turkey. with reports from Bombo Framy Sabado