Unti-unting bumababa ang lebel ng tubig sa Agno River dahil sa matinding init ng panahon.
Ayon sa Agno River Basin Flood Forecasting and Warning Center, posibleng umabot sa below normal level ang water elevation ng Agno River kaya maaaring maapektuhan ang irigasyon ng pananim ng mga magsasaka.
Sa ngayon ang ilog na lamang sa bahagi ng bayan ng Sta Barbara ang mataas ang lebel ng tubig na nasa 2.94 meters above sea level.
Nakaalerto naman ang mga awtoridad sa monitoring sa lagay ng mga ilog dito sa probinsiya.