Problema ng mga corn farmers sa Pangasinan ang kakaunting tubig na lumalabas sa mga deep well o poso.

Sa ngayon ay sa mga deepwell umaasa ang mga magsasaka o corn farmers para sa patubig ng kanilang sakahan.

Pero ang problema dahil sa napakainit na panahon ay hindi na rin kinakaya ng mga deepwell na patubigan ang  mga sakahan.

--Ads--

Natutuyo na ang taniman nila ng mais.

Sa monitoring ng City Agriculture Office sa San Carlos, aabot sa  higit 4,000 ektaryang sakahan ang tinamnan ng mais.

Karaniwang itinatanim ang mais kapag mainit ang panahon dahil hindi ito nangangailangan ng maraming tubig.