Tumaas pa ang bilang ng mga alagang hayop na positibo sa rabies.

Ito ang kinompirma mismo sa Bombo Radyo Dagupan ni Dr. Gilbert Rabara, Chief ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory.

Ayon sa opisyal, nasa kabuuang limamput walo (58) bilang ang nagpasuri ng ulo ng mga aso kung saan labing siyam dito ang nag positibo sa rabies.

--Ads--

90% naman ng mga bite victims ay mula umano sa probinsya ng Pangasinan at 10% naman ay mula sa ibang lugar.

Sa kanilang tala, kabilang ang siyudad ng San Carlos, Binmaley at Mangatarem sa itinuturing nilang top 3 na nag positibo at may mataas na kaso ng rabies dito sa buong probinsya ng Pangasinan.

Umakyat sa 10 ang naitalang positibo sa siyudad ng San Carlos, 5 sa bayan ng Mangatarem habang 4 naman sa bayan ng Binmaley.

Paliwanag pa ng opisyal, isa sa mga dahilan kung bakit nakakakuha ng sakit ang mga alaganag hayop ay dahil umano sa pabago bagong panahon.

Kadalasang sinyales aniya ng isang hayop na may rabies ay ang paglalaway, hindi makakain, mapula ang mata, matamlay at kung nasa serious type na ito, nagiging matapang kadalasan ang aso at nangangagat ng ibat-ibang bagay, mabagsik ang mata at mahilig mang away ng ibang hayop at sa loob ng 10 araw, ito’y namamatay.

Paglilinaw naman ni Rabara na ang rabies ay deadly o nakamamatay pero ito naman ay currable o maaaring magamot at maiwasan sa pamamagitan ng pagpapa bakuna. with reports from Bombo Lyme Perez