Ipinagmalaki ng Bureau of Fire Protection o BFP Pangasinan na mas bumaba ang bilang ng sunog na naitala ngayong 2019 kumpara noong nakalipas na taon sa katatapos lang na fire prevention monthsa buong bansa.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay F/Superintendent Eddie Jucutan, Provincial Fire marshal dito sa lalawigan, sinabi nito na bumaba ng 49 porsyento ang naitalang sunog sa Pangasinan kumpara noong nakaraang taon. Ang naturang porsyento ay kanila umanong ibinase sa report ng mga iba’t ibang fire station dito sa probinsya.
Aniya,mayroon silang sumatotal na 53 kaso ng sunog kung saan nanguna sa kanilang listahan ang insidente sa grassfire na may dalawapu’t tatlong (23) bilang, habang labing walo (18) naman ang naitala nila sa residential at labing dalawa (12) sa industrial.
Kaugnay nito, hinihikayat pa rin ni Jucutan ang publiko na maging handa at alerto sa lahat ng oras lalo na kung may sunog. Int. of Bombo Framy Sabado //Zona Libre Program