Kinondena mismo ni Atty Virginia Lacsa-Suarez, Chairperson na Kilusan General Secretary at Kaisa Ka ang isinagawang police operation sa Negros Oriental noong Sabado ng umaga kung saan 14 katao ang napatay ng mga awtoridad.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa opisyal sinabi nito na nanatiling kwestyunable ang operasyong ikinasa ng mga otoridad.

Aniya, bakit umano magsasagawa ang mga pulis ng anti-criminality campaign sa dis- oras ng gabi gayong ito dapat ay inilalatag tuwing ‘working hours’.

--Ads--

Iginiit pa ni Suarez na wala umanong search warrant ang mga otoridad nang isagawa ang nasabing operasyon kung kaya’t maituturing ang ginawa ng mga operatiba ng pulisya sa Negros Oriental na hindi lehitimong anti-crime operation.


Atty Virginia Lacsa-Suarez, Chairperson ng Kilusan at Kaisa Ka

Dagdag pa nito tila tinatarget ng mga awtoridad bilang mga kriminal at terorista ang mga progresibong magsasaka at kanilang mga organisasyon.