Dinoble ng 102nd Maritime police station ang kanilang pagbabantay sa mga karagatan dito sa lalawigan lalong lalo na ang mga tinaguriang ‘tourist spots’.

Ito mismo ang kinompirma ni Police Captain Denny Torres station chief ng 102nd Maritime police station sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Torres, mas pinaigting ng kanilang tanggapan ang pagsasagawa ng seaborne at shoreline patrol dahil dagsaan na umano ang mga turista na namamasyal at nagbabakasyon lalo na sa Hundred Islands sa syudad ng Alaminos na kilala bilang isa sa tourist place dito sa probinsya ng Pangasinan.

--Ads--

Police Captain Denny Torres station chief of 102nd Maritime police station

Binigyang diin pa ni Torres na ang kanilang isinasagawang operasyon ay sesentro sa preventive patrols na mahigpit na magbabantay sa mga elementong kriminal na maaaring magsamantala sa pagbabakasyon ng nakararami.