Duda si National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr na uusad ang reklamong crimes against humanity nina dating DFA Sec. Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Esperon, walang kasiguraduhan kung bibigyang ng pansin o di kaya’y magkakaroon ng progresibo ang isinampang kaso ng dalawang dating opisyal ng gobyerno.

Aniya, walang hurisdiksyon ang ICC sa bansang China at hindi na rin umano myembro dito ang Pilipinas kung kayat malabo na itong mapaburan pa.

--Ads--

Gayunpaman, inihayag ni Esperon na walang pagtutol dito ang pamahalaan dahil karapatan ng kahit na sino ang magsampa ng kaso sa ICC.

Matatandaan na kinasuhan si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y “atrocious actions” nito sa South China Sea na maituturing na “crimes against humanity.”

Isinampa ang reklamo noong March 15 o dalawang araw makaraang kumalas ang bansa sa ICC bilang kasapi nito.

Laman dito ang detalye at larawan ng ginagawang pananakop ng China sa pati na ang reklamo ng daan-daang libong mangingisdang Pinoy na “hina-harass at sinasaktan” diumano ng mga Chinese Coast Guard nanakop sa bahagi ng West Philippine Sea. with reports from Bombo Badz Agtalao