Unti unting pinapatay ng gobyerno ang mga mangingisda dito sa bansa.

Ito ang buong tapang na inihayag ni Fernando Hicap, chairman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Hicap, ang pamahalaan mismo ang dahilan kung bakit tila nawawalan na ng saysay at halaga ang mga lokal na mangingisda.

--Ads--

Aniya, ang polisiyang ipinapatupad ng gobyerno tulad na lamang ng pag aangkat ng isda mula sa ibang bansa ang nagiging rason kung bakit nawawalan ng hanap buhay ang mga mahihirap na mangingisda.

Giit pa nito, pwede namang hindi na mag-angkat ng isda ang pamahalaan dahil kaya umano ng mga ito na suplayan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Ngunit labis umano nila itong ikinalulungkot dahil taliwas ang nangyayari sa kasalukuyan.

Katwiran pa ni Hicap, hindi pag-aangkat ang laging sagot para para magkaroon ng sapat na suplay sa isda. Int. of Bombo Framy Sabado /Zona Libre Program