Itinaas ng Commission on Elections o COMELEC Pangasinan sa orange code o ‘immediate concern’ ang isang bayan dito sa probinsya na dati’y kabilang lamang sa areas of concern.
Kasabay ito ng pagsisimula ng pangangampanya para sa mga lokal na opisyal noong Biyernes, Marso 29.
Ayon mismo sa naturang tanggapan, ang pagpapalit o pag upgrade nila ng color coding ay kanilang paraan upang alertuhin ang kapulisan pati na ang publiko sa posibleng pag usbong ng tensyon lalo na ang mga magkakalaban sa pulitika.
Sa ilalim naman ng “orange color,” nangangahulugan na ang lugar ay may presensya ng mga armadong grupo o organized movement.
Samanatala, kinompirma din ng COMELEC na bukod sa isang bayan na isinailalim nila sa orange code, ay mayroon pang tatlong lugar dito sa probinsya na hindi na pinangalanan pa, ang nanatiling nasa ‘areas of concern’.
Kaugnay naman nito, inihayag ng COMELEC na naging Generally peaceful ang unang araw ng pangangampanya ng mga lokal na opisyal.