Hinihikayat ng Commision on Elections (COMELEC), ang mga pulitiko at mga botante na magkaisa upang malabanan ang pangit sistema ng pangangampanya dito sa bansa.
Sa naging pahayag ni Comelec Commissioner Luie ‘Tito’ Guia, kung may mga makita na ganitong klase ng katiwalian ang mga botante at publiko ay agad na ilapit o idulog sa mga kinauukulan upang mapatawan ng kaukulang aksyon at makasuhan ang mga dapat na kasuhan.
Dagdag pa ni Guia, hindi lamang ang nagbigay ang makakasuhan bagkus maging ang humingi rin.
Paliwanag pa nito na ipinagbabawal ang ganitong mga gawain upang maging pantay-pantay aniya ang estado ng mga pulitiko kung saan hindi mapagiiwanan ang mga nais magbigay ng serbisyo publiko subalit walang perang magagamit sa pagbili ng boto.